"Multo, mumu, aswang, white lady, chanak, pugot na ulo, manananggal, kapre, at iba pa!"
yan ang karaniwang mapapanood sa t.V. Pag sapit ng undas. Katakot takot at kakakilabot na kwento sa magandang gabi bayan. Yan ang naging karanasan ko noong ako ay bata pa. Ayaw na ayaw ko ng t.V pag ganitong panahon. Pero excited ako pagsapit ng undas. Bukod sa birthday ng nanay ko? Magkikita kita kami ng mga kamag anak ko sa puntod ng lola ko. Sama sama sa pananalangin at sama sama sa pagkain, pagtirik ng kandila at pagkain.
Naisip ko? Makikita pa kaya nila at maaam0y ang bawat bulaklak at kandila na nakapatong sa puntod nila? Kung naam0y nila yun malaki ang pag asang buhay pa sila.
Makikita mo sa daan ang mga nagtitinda ng kung ano anong pakulo at makakain. paborito nilang bilhin ay ang mga laruan na headband na may sungay at umiilaw pa? Feeling nila demonyo sila. Oh demonyo talaga? Nasa panahon nga ang business. Pero ang pinaka paborito ko ay ang pangongolekta ng mga tunaw na kandila at bantayan ang bawat patak ng kandila. Gumawa pa ko ng angel noon nilagyan ko ng pabelo sa ulo kaya pagsindi ko natunaw lang ang pinaka mamahal kong anghel. Kung naging kandila lang sana ang lola ko at ang pinsan ko tulad ng anghel na ginawa ko? Di ko nalang sisindihan para hindi sila nawala. Kaso naisip ko, pwede din pala silang matunaw sa sikat ng araw. Nasa taas padin ang paghahatol. Naisip ko baka nasulat na sila sa deathnote ni kira. Kung nanono0d kayo noon.
Syempre, hindi naman puro pagluluksa ang nagaganap sa araw ng mga patay. Actualy araw din ito ng mga buhay. Dahil sa ibat ibang kasiyahang nagaganap. Lalo na sa mga batang katulad ko. (walang kokontra). Tuwang tuwa sila sa mga umiilaw nilang lollypop at sa mga umiilaw na yoyo at iba pang pinapailaw. Tuwang tuwa sa mga kandila at masayang naglalaro nito.
Sina tito naman at ang mga nakakatandang pinsan, bcng bc sa pagtira nila sa bawat piesa ng chess game! Nagpapalipas ng oras habang gumigitara naman ang isa pang kuya. Nagsusugal ang iba kahit alam nilang bawal ito. Masarap daw ang bawal.
Kamusta naman ang mga tita? Ayun nagtsitsismisan sa mga issue bukas ngayon ang broadcast habang binabalatan ang butong pakwan na may kasamang juice.
Sina ate? Kuya? "Wer na u?" wag mo na silang hanapin wala sila dito. Nakita m0 nang naka bihis sila ng todo eh? Naka skirt si ate naka shades si kuya. Bc sila sa pag gala, kahit sa s0brang init ng sikat ng araw nakikipag meet sila sa mga friends, boyfriends, gurlfriends, txtm8s, kafacebook, neighb0rz, kad0ta, katwiter,kablog, katumblr, ka callmate, kak0za kaflirt kagimik, kainuman, kaband, kaem0, kapunk, kafrat, kasakay sa jeep kanina, kamote, kalabasa, kawayan kamayan kabayan, kapoker! ka ___! hightech na talaga ngayon! Ginawang meeting place ang cementeryo baka multo ang ka eyeball m0 ui! Pati bulaklak ng patay ginamit m0ng panligaw!
Syempre hindi naman maiiwasan ang pasosyalan ng mga patay. Kahit patay na yan! Pagandahan ng museleyo. Todo pintura naka tiles naka bakod at may garden pa? Asteg! May nabasa akong kasabihan. "aanhin m0 ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago? Mabuti pa ang kubo ang nakatira ay tao?" sabi nila mas mabuti na ang kwago! Atleas buhay ito. . Eto ang sabi sa kasabihan "aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay bangkay! Mabuti pa ang kubo kapitbahay may wifi."
parang party noh? Birthday kasi ni mama ko! Medyo madami daming candle ang ibblow nya. Napakadaming tao, ang saya ng paligid. Para ka lang nasa astro park. Kulang nalang may magtinda na din ng balloons. Meron na yata ngayon? Ung spiderman at d0ra the explorer?
Sa pagsapit ng dilim makikita mo ang liwanag sa bawat kandilang hinihipan ng malamig na hangin. At ang ibang mga bata na maagang nagsiuwiwan ay nanlimos na sa daan. .Heto ang laging kinakanta namin pag undas. .
"apu kung maki bale, mayap a bengi babie mi talaga pung panata mi balang bulan ning n0byembri, ekepu eke pulubi, andyang magpalimus kami, ing babie ming kagalangan bengi ning di0s pu kekongan. Dispu!"
tenkyu tenkyu ang babarat ninyo tenkyu!
Sa tagalog: lola naming may bahay, bigay namin ang magandang gabi. Talaga pong panata namin to sa bawat bwan ng nobyembre, hindi po kami pulubi kahit na maglim0s kami. Bigay namin ang paggalang ng dyos sa inyo mano po!
In english: thats it!
At pagkatapos ng lahat! Akoy nakatulala sa harapan ng aming bahay habang nakatitig sa kandilang aking itinirik kanina lang. Tulog na ang lahat, akoy nag iisip at napaluha. Sa kabila ng kasiyahan. Naalala ko ang mga kamag anak kong pumanaw na. Ang mga oras na kasama ko pa sila sa mga gawaing nabanggit ko sa taas. Noon kasama ko silang dumadalaw. Ngayon sila na ang dinadalaw ko. . Naitago ko pa pala ang anghel na kandila ko. Wala ng ulo at isang pakpak. Siguro ay pwede ko na din ibaon ito kasama ng aking malungk0t na ala ala. Nalaman kong ang araw ng mga patay ay magsisilbing reunion ng mga buhay at mga patay.
+ R.I.P. +
"Biglang may tumawag sa pangalan ko!" paglingon ko? !?%x]-$??
No comments:
Post a Comment