Sunday, December 11, 2011

isda o bangka?


Walang mai topic. .Wala din maisip na pwedeng gawin kundi makinig ng radyo, mary your daughter ang tugtog pero , di ko alam ang nxt sana wag ipatugtog ang kanta ni pacman at willie. Baka ang pagkabagot ko ay maibsan ng kabadtripan. Wala lang. . Wala naman silang ginagawa sakin diba? Pero ayaw ko lang na kumakanta sila. Yun lang. ! Di naman sa ayaw ko sa kanila at hindi din sa wala silang ganoong boses. Alam ko naman madami padin silang napapasaya eh? Teka san naba ako? Ayun! Buti bruno mars ang tugtog "lighters" mapaparap pa ko. Sakto pinipicturan ako ng kalangitan habang nagttype. Uulan na yata? Naalala ko pag gantong maulan.  Masarap matulog habang malamig at nakakumot. Tsk! May dumating na tagapagbalita, may nawalan daw ng wallet 20k laman. Swerte naman! Wala lang 

"bakit daw nilalagyan pa ng asin ang isda? Diba galing sya sa dagat? At ang dagat ay maalat?" Yan ang tanong nang aking boss habang sinesermonan ang mga tao sa planta (di kami kasama ayos!) di ko alam isasagot ko eh? Walang kumikibo. Nahulog ang pirasong papel galing sa mesa ko. Dinig sa buong kwarto. Napaubo ako "ehem" sinabayan ng aking boss at nagulat ako? "alam nyo ba na ang bangka ay maganda sa tubig? Subalit ang tubig, kailan man hindi naging maganda sa bangka sapagkat lulubog ito!" di ko na alam ang mga salitang binibitawan nya. Naisip ko nga baka kamag anak sya ni bob ong oh di kaya sya si bobong? Pag nagkaganon eh? Dadalhin ko lahat ang mga libro nya dito at ipapasulat ko sa kanya. (hand written in english) Wala kayo! Bos ko idol ko! Kaso wala eh? Blap lang ang lahat. Teka? Sayang ang load ko. At loabat nako. Siguro pwedeng tsaka nalang ang part two!

No comments:

Post a Comment