Sunday, December 11, 2011

pakatapos ng kaarawan

"1 message received!"

unang salitang aking nabasa pag gising ko kaninang hapon. Nakatulog kasi ako habang dinadownload ang mp3 ng teach me how to dougie. Buti download complete at buhay pa ang cellphone. Pinatugtog ko at pinunasan ko na ang tumulo kong laway sabay mumog at naghilamos then umupo sa sala. Naalala ko, sunday pala ngayon? At birthday ko kahapon? 4:45pm na! Kailangan ko palang magsimba at magpasalamat. Naligo nako agad. Di nako nag shampoo, wala kasing shampoo. 5pm ang misa pero ayos lang, naisip ko wala naman attendance sa simbahan. Gusto ko lang pumasok dun. Para makausap sya. Matagal na din kasi akong hindi nakakapag simba. Morus daw ako. Pero di naman nawawala ang sa buhay ko ang panginoon. Dinukot ko na ang wallet ko at nakisakay sa mga kaibigan ko, pupunta yata sa videoke? Di na sana ako magsisimba at makikikanta nalang. Pero naalala ko di pala ako kumakanta. Kaya bumaba nako at nag abang ulit ng tryk para makapunta na ng simbahan.

Naisip ko? 24 pes0ses nalang pala ang pera ko? Kinse pamasahe papuntang simbahan 24-15=X where X is the sukli. Isipin nyo pano ang pauwi.

Pagdating ko sa simbahan, wow! Madami pa din pala ang nananampalataya? Puno ang simbahan. May ibon pang lumilipad sa taas na parang inabangan ang pagdating ko. Ang masaklap lang standing position ang bagsak ko. Homily na nang dumating ako. Swerte padin dahil maririnig ko ang mga magandang sasabihin ng pari. Naiinis lang ako dun sa dalawang bata na takbo ng takb0 sa harapan ko. Kulang nalang matisod. Ginagawang piko ang mga tiles sa simbahan. Inintindi ko nalang, alam ko n0ong bata ako hindi lang piko ang ginagawa ko. D pa uso ang dougie noon. Teka? Sakto! Eto ang sinabi ng pari.

Wag daw pairalin ang ego! Nagbigay sya ng estoryahe.

May dalawang tao daw na. . . (ang kulit talaga ng dalawang bata papatulan ko na to!) teka, may dalawang ta0 daw kumukuha ng prutas sa mesa. Tao 1 : (kumuha ng mansanas apple in english at  makikita ito sa laptop)
tao 2: (kinausap si tao1) alam mo ba na may alam akong lugar sa amerika yung mga kumakain lang ng apol ay ang mga mababang tao? Wala nang makain. Poor!! (sabay kuha sa saging)
tao 1 : ganoon ba? So alam mo na ba na may alam akong lugar dito sa pilipinas mga unggoy lang ang kumakain ng saging?
(kayo na manghusga kung dalawang tao nga ang nag uusap. Baka kasi n0. 1 fan ka ni charles darwin)

nagjoke pala si fader? Bakit walang natawa? Ako napangiti lang. .:) oops may isa pang kwento.

Isang bata at isang matanda.

Scene1
Matanda: (nabunggo ang bata nadapa ang matanda.) hoy! Haharang harang ka kasi eh? Di mo ba nakitang nagmamadali ako?

Scene2
Bata: (nabunggo ang matanda nadapa ang bata) sory po?
Matanda: ano kaba? Hindi m0 kasi tinitignan ang dinadaanan mo?? ? Tatanga tanga kasi!

Ano man ang senaryo laging mali ang bata? Naisip ko bday ko kahapon so di na siguro ako bata.

Tinawanan ko nalang ang dalawang batang nagpipiko pa din. Baka madem0 ko ang sinasabi ng pari.

Ang ganda ng sinabi ni father noh? Kahit saang senaryo kung walang pagkukumbaba, di matatapos ang argue. Gantihan nalang ang mangyayari. So ayun naisipan ko lang ishare parang share us to facebo0k lang.

Teka? Facebook?? May free yata ang facebo0k sa smart ngayon ah? Wow tatz screEN ang celp0n ni ate? Tatz m0ve! Nagsisimba kaya si ate o pinapakita lang nya na may pesbuk sya? Tsktsk! Kakalabitin ko sana at sasabihing ate "paad naman!" kaso di ko na kinausap baka may naglike sa status nya. At maistorbo ko pa.  Buong oras yata ng misa pumepeysbuk. Kasama ang barkada nya na txt naman ang inaatupag. Teka ako an0 ba inaatupag ko? Heto nagmamasid. Nangengealam na din.

Witwiw! Si ate dumaan? Naka super mini skirt? (pikit mata) nasa simbahan tayo.

Si kuya naman naka tsinelas at shorts lang? Magsswiming yata? Paki ko ba? Baka sapakin ako.

Di ako makakonsentrate sa misa.

 Si nanay naman sa likod ko 10o% nagsisimba lagi. Mem0rize lahat ang misa, h0mily lang siguro ang hindi. Akalain m0ng nauunahan pa nya ang pari sa mga sinasabi nya?  Infairness! Take n0te: english ang misa. Ako nga di ko pa alam mga isasagot ko buti may projector na pwede kong mabasa pag kumakanta at pag may sasagutin. Pero si nanay pati dialogue ni father eh alam na alam.

Offeratory nah, yun bang maghuhul0g ka ng barya sa dalang pansalo ng l0la? Samin kasi hindi barya ang sinasalo nun. Kundi palaka. . Oops may pera pa pala ko, ung sukli kong X kanina? X=9 pesos tama ba sagot ng calculator m0? Binun0t ko na lahat. n0 m0re n0 less.. Ng ihulog ko na ang barya sabay may kumalabit sakin. "kuya palimos po?" awts! Gusto kong bawiin ang hinulog ko at ibigay ang kalahati sa bata? Kaso bigla kong naalala? Mahirap palang hatiin ang 9 pesos. . Kaya nagsorry nalang ako sa bata at nakonsensya ako. Kung may pera lang talaga ako.

6:30pm
Tapos na ang misa, este pagmamasid. Wala nakong pera kahit sinkong bulag. Kaya todo iwas ako sa mga tao lalo na sa mga batang may dalang lollyp0p. Baka mabungo ko mabitawan ang l0llyp0p at umiyak. Wala akong pambayad at pampalit. .Tsk baka ako ang mayari.!

Teka? Baka isipin ny0 ang lakas ng loob ko kasi wala akong pera at lumalabas? May atm card naman daw ako. May konti pa sigurong laman. Sapat para pamasahe at pangkain ko. Kaso, Pagbungad ko sa atm machine. "SORRY THIS ATM MACHINE IS NOT AVAILABLE AT THIS TIME. TRY ANOTHER MACHINE" di ko alam ang exact w0rd english kasi. Lagot na ko neto? Pag minamalas nga naman? ? Papasundo nalang sana ako kaso naalala ko battery empty nga pala ako? Walang pantxt. Mangungutang na muna ako sa tryk. Saka ko na bayaran. Wag ko lang sana makasakay sa tryk yun crush ko. Uso pa b ang crush crush n yn? Utangan ko nalang kung sakali. .
, . .
6:45pm
Napakabuti talaga ng tadhana?
Nagsimba din pala kapatid ko? Pati pinsan ko? Solb ang problema may dota pang kasama. Nakapang utang ako at nakauwi ng matiwasay.

11:00pm
Sakto wala nako alam sabihin, tapos na ang gandang gabi vice di ko napan0od dahil sa nagttype ako. Salamat sa pagbabasa ng diary? Blog? Estoryahe oh an0ng tawag sa walang kwentang naisip kong ito, sana may mapulot kayong aral este piso. Ang alam ko kasi 25 ang pera ko? Bakit biglang naging 24 lang. . Pakibalik nalang po? Natapon ko yung ice candy ng bata. Sabi ko palitan ko bukas.
SALAMAT!



I asked God, "how do I get the best out of life?" God answered: "face your past without regret, handle your present with confidence, prepare for the future without fear." Then He added, "keep the faith and drop the fear. Do not believe your doubts and never doubt your beliefs. Life is wonderful if you know how to live..."

Yan pala ang 1 message received na natanggap ko kaninang paggising ko galing sa bestfriend ko. Ngayon ngayon ko lang binasa nagmamadali nako kanina eh?

No comments:

Post a Comment